NOVUS ECCE HOMO (Tugon sa Liturgy of the Breath ni Bertolt Brecht, 1927)

 NOVUS ECCE HOMO

(Tugon sa Liturgy of the Breath ni Bertolt Brecht, 1927)

 

Ipinadampot kita upang ipahagupit sa mga matong bisig ng aking asong laláki.

Ipinakuha ko sa aking utusang tulisan yaring koronang yari sa bakal na alámbre.

Ipuputong ko sa iyo ito tanda ng iyong nalalapit na kamatayan, at bago mo pasanin ang iyong sariling krus sa sementeryo, ipapasuot ko sa iyo itong balabal na dilaw at kahél.

Ihaharap muna kita sa nabulag na taumbayan at huhugasan ko ang aking kamay gamit ang iyong sariling dugo’t napulbos na lamán.

Kikilalanin akong isang beato mula sa iyong sanlaksang paghihirap sa mundong ito na iyong purgatoryo- mga uto-uto, ako ay puríhin!

 2018

* kuha ang imahen ng makatang si R.B.E. Abiva. Walang malinaw na pamagat ang likhang-sining na gawa sa marmol. Pero para sa kanya, binansagan niya ito bilang Ang Dakilang Magsasapatos ng Saporo.

 

 

Comments

Popular posts from this blog