Ayon sa nobelistang si Jose Rey Munsayac, pinalakas at binigyan buhay ng mga pili at angkop na mga salita ang mga pangyayari sa mga akda nina Abiva at Talusan. Ang realismo ay totoong gumalaw at nagbigay ng kabalisahan sa mga tauhan—at ang kabalisahang iyon ay nakarating at tumagos sa kamalayan ng mambabasa upang magtanong: bakit hindi magkaisa, saan ang kulang (Talusan, Banggaan)? O ang pahayag at pangarap ng adipen na si Macario Bilanggo: “Ako. Si Macario Bilanggo. Isang adipen. Nagmula sa uri ng anakpawis. Tinigang-tinutong ng apoy ng araw. Amoy lupa. Sabi ng mga kaharap kong adipen ay nakatadhana raw na kami’y maging isa (Abiva, Tatlong TalĂ Pagkaraan Sa Isang Gabi Ng Pagninilay At Pangungumpisal Sa Tabernakulo Ng Nawawalang Langit).” Para sa mga nais bumili ng kopya, magpadala lamang ng mensaha sa https://www.facebook.com/sadiri.publishing