Posts

NOVUS ECCE HOMO (Tugon sa Liturgy of the Breath ni Bertolt Brecht, 1927)

Image
    NOVUS ECCE HOMO (Tugon sa Liturgy of the Breath ni Bertolt Brecht, 1927)   Ipinadampot kita upang ipahagupit sa mga matong bisig ng aking asong laláki. Ipinakuha ko sa aking utusang tulisan yaring koronang yari sa bakal na alámbre. Ipuputong ko sa iyo ito tanda ng iyong nalalapit na kamatayan, at bago mo pasanin ang iyong sariling krus sa sementeryo, ipapasuot ko sa iyo itong balabal na dilaw at kahél. Ihaharap muna kita sa nabulag na taumbayan at huhugasan ko ang aking kamay gamit ang iyong sariling dugo’t napulbos na lamán. Kikilalanin akong isang beato mula sa iyong sanlaksang paghihirap sa mundong ito na iyong purgatoryo- mga uto-uto, ako ay puríhin!   2018 * kuha ang imahen ng makatang si R.B.E. Abiva. Walang malinaw na pamagat ang likhang-sining na gawa sa marmol. Pero para sa kanya, binansagan niya ito bilang Ang Dakilang Magsasapatos ng Saporo.    
Image
  Ayon sa nobelistang si Jose Rey Munsayac, pinalakas at binigyan buhay ng mga pili at angkop na mga salita ang mga pangyayari sa mga akda nina Abiva at Talusan. Ang realismo ay totoong gumalaw at nagbigay ng kabalisahan sa mga tauhan—at ang kabalisahang iyon ay nakarating at tumagos sa kamalayan ng mambabasa upang magtanong: bakit hindi magkaisa, saan ang kulang (Talusan, Banggaan)? O ang pahayag at pangarap ng adipen na si Macario Bilanggo: “Ako. Si Macario Bilanggo. Isang adipen. Nagmula sa uri ng anakpawis. Tinigang-tinutong ng apoy ng araw. Amoy lupa. Sabi ng mga kaharap kong adipen ay nakatadhana raw na kami’y maging isa (Abiva, Tatlong Talà Pagkaraan Sa Isang Gabi Ng Pagninilay At Pangungumpisal Sa Tabernakulo Ng Nawawalang Langit).”  Para sa mga nais bumili ng kopya, magpadala lamang ng mensaha sa https://www.facebook.com/sadiri.publishing